Lyrics
Ikaw ang Pag-asa
[Verse 1] Sa pagdating ng unos ng hangin at ulan Tanging pangalan Mo, Ama, ang tinatawagan Ikaw aming tanglaw sa gitna ng karimlan Pag-ibig Mo sa tuwina, ang aming sanggalang
[Chorus] Nahahawi ang dilim sa liwanag Mong dala Ikaw, Oh aming Dios, ang tanging pag-asa Sa 'Yong magagawa ay nagtitiwala Maglilingkod sa Iyo habang may hininga
[Verse 2] Sa bawat luha, dala Mo ay ngiti Bawat paghihirap, bawat dalamhati Pangalan Mo'y aming sinasambit lagi Ikaw ang tanggulan, Ikaw lang palagi
[Chorus] Nahahawi ang dilim sa liwanag Mong dala Ikaw, Oh aming Dios, ang tanging pag-asa Sa 'Yong magagawa ay nagtitiwala Maglilingkod sa Iyo habang may hininga
[Bridge] Kahit pa ang mundo ay magunaw Mananatili pa ring Ikaw Pangako Mo'y siyang inaasahan Mananatiling pag-ibig ay Ikaw