All songs

Lyrics

Lingkod Na Cristiano

Music video

Verse 1 Halina, oh kapatiran Lagi tayong mag-awitan Nang sa puso'y maingatan Salita N'ya na kat'wiran Sa awiting naririnig, aral ng Dios na may himig Paalalang makatitik, upang tayo'y h'wag manlamig

Chorus Ipakita sa ganito Lingkod tayo na Cristiano Pag-ibig na itinuro Syang dapat isapuso Ipakita sa ganito Lingkod tayo na Cristiano Pag-ibig na itinuro Syang dapat isapuso

Verse 2 Bawat isa'y maglingkuran Araw-araw magpangaralan Kung kapatid nagkukulang Tayo ay magpatawaran Tayo ay h'wag magpabaya Tulong-tulong sa paggawa Taong labas may humina Pag-asa'y 'di mawawala

Repeat Chorus (2x)

Ipakita natin sa ganito Pag-ibig na mula sa puso Mabubuting gawa ng Cristiano Liliwanag sa buong mundo

Listen & sing