Lyrics
Naramdaman Kita
Kay palad ko ako ay nakasama Sa bayan ng Dios anong pagkaganda Pag-ibig ay taglay sa isa't isa Tanda ng sa Dios na makikilala
Gawang mabuti na nasisilayan Saang mang dako na may kapatiran 'Di maiwasan sa 'king kalooban Aliw na dulot 'di ko maletrahan
May galak na 'di maipaliwanag Mayrong nadamang 'di maibulalas Sa pagpatak ng luha sa ligaya Tanging sambit salamat Oh Ama
Sa pag-abot ng tubig na inumin Sa pagbigay ng bawat makakain Gawang mabuti hindi lilimutin Ng ating Dios Amang maawain
May mga hirap mang nararanasan Payapa ang puso at kaisipan Tuwa't ligaya na nararamdaman 'Di matutumbasan ng sanlibutan
May galak na 'di maipaliwanag Mayro'ng nadamang 'di maibulalas Sa pagpatak ng luha sa ligaya Tanging sambit salamat Oh Ama
Salamat Oh Dios sa aking nadama Ang pananampalataya aking nadama Ang pag-asa ay aking nadama Pag-ibig mo Oh Dios ay aking nadama Salamat Oh Hesus naramdaman Kita
Naramdaman Kita