Lyrics
Pag-asa(2023)
1st Stanza Marahil nga’y kay sarap maidlip at muling magising Lalo’t kung ito'y sa Kanyang muling pagbabalik Tunay ngang kay sarap kung S’ya'y makakapiling sa Kanyang pagdating Nang malubos ang galak, ma-la-kip, sa Kanyang muling paghahari
Dito ang pagluha'y mapaparam at maglalaho mga kalungkutan, at hahalinhan ng ganap nakaligayahan
Refrain May isang sumpang binitiwan na kahit kailan ma'y hindi tatalikuran Batid ko ang magbata ang magtiis ay di maiiwasan upang pangako Mo’y aking makamtan
Chorus Kaya’t sa tuwina nadarama ang pagasa Sa malawak mong langit yaring ulo’y itinitingala Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama Habang sa tuwina nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
2nd Stanza Mga ala-ala sa puso'y aking babaunin kung marating ang langit Mong tahanan na paraisong pinapangarap Pagkat nais kang masilayan Makapiling ka sa ligayang wagas at ang hapis ay isa na lang nakalipas
Refrain May isang sumpang binitiwan na kahit kailan ma'y hindi tatalikuran Batid ko ang magbata ang magtiis ay di maiiwasan upang pangako Mo’y aking makamtan
Chorus Kaya’t sa tuwina nadarama ang pagasa Sa malawak mong langit yaring ulo’y itinitingala Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama Habang sa tuwina nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
Bridge Bawat pagluha ay aaring yaman Bawat pait, saklap ay aaring tamis Bawat alimura'y aaring puri Pagkat puso at damdamin ay may kapayapaan
Chorus Kaya’t sa tuwina nadarama ang pagasa Sa malawak mong langit yaring ulo’y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama Habang sa tuwina nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
CODA Ikaw ang tanging nalalabing
PAG-ASA