All songs

Lyrics

Salamat Sa Pagmamahal

Music video

[Verse 1] Narito ang alay ko sa 'Yo Ama Pakinggan Mo ang puso kong sumasamba Salamat sa paglingap Mo at pagsinta Naawa Ka sa tulad kong isang aba

[Verse 2] Kahit na ang buhay ko ay 'di sapat Itumbas sa paghihirap ng Iyong Anak Pangako ko'y maglilingkod hanggang wakas Tulungan Mo na tuwina'y maging tapat

[Chorus] Ama salamat sa Iyong pagmamahal 'Di ko malirip pag-ibig Mong walang hanggan Dahil sa amin, Anak Mo ay ibinigay Nagkapag-asa sa pangako Mong buhay

[Verse 3] Ang samo ko aking Ama'y patawarin Ang handog ko sa 'Yo'y paging dapatin Ang dungis ng puso ko ay 'Yong linisin Espiritu sa akin ay h'wag bawiin

[Chorus] Ama salamat sa Iyong pagmamahal 'Di ko malirip pag-ibig Mong walang hanggan Dahil sa amin, Anak Mo ay ibinigay Nagkapag-asa sa pangako Mong buhay

[Outro] Ama salamat sa Iyong pagmamahal

Listen & sing